Latest News

Nakakalungkot. . .

Tuesday, June 26, 2007 , Posted by gonkyouka at 10:26 AM

Sa totoo lang sabihin n'yo ng korne pero nalulungkot ako. Kasi kung kelan natuto na akong maing stambay saka naman ako aalis na. Ampepe tlga! kung kelan natuto akong maging madungis saka naman ako mapapapunta sa lugar na alang madungis. Nakakalungkot. . . Kelan kaya ako ulet makakabalik ng dito? Sana pagbalik ko ganun pa ren lahat. Andito ako ngayon sa shop nila bret. Nakabihis na sana ako pero for the last time. Check muna ako ng mails kc alam ko magiging inactive lang mga mails ko. Tsaka yung friendster ko nga pala di ko na yun gagamitin. Di ko alam kung kelan ako makakabalik pero sana ganun pa rin. Ampepe! baka mapaiyak pa ako dito sa shop ah. lolz hahahahhhaha wala lang. Last minute ko na ngayon kaya sinusulit ko. Lalala~ anu kayang mangyayari sa aken? Makukuha ko kaya yung bagay na gusto ko kaya ako aalis? S'ya nga pla 'wag nyo ng subukang alamin kung san ako punta kai isang tao lang ang nakakaalam kung san ako (kasama ko sya kung san ako pupunta.) THanks sa lahat ng taong naging mabait sa aken pati na rin ung inde naging mabait. tsk! tsk! tsk! ampepe talaga nakakalungkot. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa bat ganito?!?
Pagkaout ko dito sa shop nila bret deretso na ako sa bahay nila allan. Kunin ko lang mga gamit ko dun tapos deretso na ako sa kawalan. Kung kelan akala ko ok na ang lahat. Sensya na pero ganito talaga ako KORNE. Pero ok lng kung anu iisipin nyo total inde na rin naman nyo ako makikita eh. nyahahah! Pero baka bumalik ako dito after 2-4 years. Sana ganun pa rin lahat. Mamimiss ko yung mga time sa dotahan, sa tindahan, sa tambayan, ung mga endless gimiks, yung uratan, lahat. Kung kelan talaga natuto na akong maging tambay saka naman ako kelangang umalis. Pero meron din naman akong natutunan sa loob ng 5 years na pagtira ko sa masville. "MINSAN MASARAP PA LANG MAGING MADUNGIS AT DUGYOT AT TAMBAY" yan ang natutunan ko. Akala ko dati ang tambay kadiri pero masaya pala. hehehe tama nga sabi nila masarap maging tambay kahit ala kayung kinakain kasi nga tambay kau. Tsaka sa pagiging tambay ko natuto na rin akong magmura (ng english) at least english un. Kahit papanu meron pa rin kahit konting ka sosyalan na natira hahahahah. Ilang minutes na lang kya ako? Teka ask ko lang si brets.
Aw! 3 minutes na lang dw waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa. aalis na talaga ako. nakakalungkot. . . bat kaya yung iba inde bigdeal sa kanila ang umalis? sa akin kc isang malaking bagay ang umalis sa isang lugar lalo na kung kelan natutunan mo ng e adopt ung mga tao sa paligid.

time na ako. . .

Bye sa lahat at maraming salamat!

Currently have 0 comments: