Latest News

Kaibigan

Friday, February 2, 2007 , Posted by gonkyouka at 6:03 PM

I made this poem for my bestfriend when I was in my high school days

Sa isang sulok ako'y may kaibigan
Dito sa syudad na walang katapusan
Kami'y magkasama kahit saan man
Walang kapantay itong aming samahan
Bawat pagsubok ay aming nadaanan
Kanyang problema ay pinagdadamayan
Aking problema ay pinagtutulungan
Kahit anuman ay aming nalampasan
Kami'y matalik na magkaibigan
Dahil sa aming mga pinagdaanan
Walang iwanan kami ay nagsumpaan
Aming samahan ay hanggang kamatayan
Ngunit dumating ang isang kadiliman
At kanyang tinakpan ang aming daanan
Malaking pagsubok kami ay binigyan
Kami'y nagkalayo ng aming tirahan

Aming pag-uusap sa sulat dinaan
Amg isa't isa'y walang kinalimutan
Patuloy oa rin itong aming ugnayan
Sa bawat tag-araw o sa tag-ulan man

Ang pag-asa at lakas ng kalooban
Nanatili sa aming puso't isipan
Ang dalawang iyan ang aming puhunan
Ng aming patuloy na pag-uugnayan
Muli'y kami nagwagi sa kadiliman
Dito ay talagang mapatutunayan
Mula kabataan hanggang katandaan
Ang aming samahan ay magpakailanman
At ngayon akin ng nauunawaan
Na ang lahat ng tao sa kapuluan
Ay nangangailangan ng kaibigan
Na maaasahan kahit kailan pa man

At siguro nga'y iyo ng napakinggan
O sa mata mo'y iyo ng nasilayan
Itong tula ko na walang kalumaan
Ang diwa nito'y 'di mo malilimutan
Lahat ng ito'y 'di ko makakayanan
Kung walang inspirasyon kong kaibigan
Kaya s'ya ngayon ay aking inalayan
Nitong isang tulang walang kamatayan
This post is for my high school bestfriend Margel.

Currently have 0 comments: