Shiela
Friday, February 2, 2007
, Posted by gonkyouka at 6:29 PM
I made this poem for my high school crush. I think her name is obvious. . .
Ang buo kong katawan ay nanginginig
Di mapigil itong malakas na pintig
Ako ay tinamaan nitong pag-ibig
At sa isang dilag ako'y napaibig
Makinis mong mukha at mapulang bibig
Ang magandang kilay at mga busilig
Munting sulyap at malalagkit na titig
Ang sa akin na laging nagpapakilig
Ikaw ay maganda at ako'y makisig
Sa aking balat wala ni isang butig
Mula sa aking mga paa hanggang liig
Wala kang makikita na mga butlig
At kung ikaw ay dumaranas ng lamig
Sa aking pag-ibig ikaw ay manalig
Mawawaglit ang nadama mong kaliglig
Puso'y magbibigay init bawat pintig
Ngunit sa akin ay hindi ka nanalig
Pag-ibig kong punong-puno ng sigasig
Oh ako ay bigyan mo ng pahiwatig
Na sa aking puso ikaw ay umiibig
Pag-ibig ko'y tunay at walang ligalig
Ilang taon na'y 'di mo pa rin dinidinig
Pag-ibig ko sa'yo ay 'di nanaig
Sa halip iyong kinulong sa kamalig
Mula noon puso ko ay namitig
Damdamin ko'y di mo na maririnig
Ang pakiramdam ko ang boung daigdig
Ay umaalog at yumayanig-yanig
Currently have 0 comments: